Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni John Ranel De vera Dimaculangan

Ako at Kuya ko.
      Ako si John Ranel De Vera Dimaculangan pinanganak noong hunyo 11, 1995 ako ang bunso sa apat na anak ng mag-asawang Arnel Hernandez Dimaculangan at ang asawa nitong si Judith De Vera ako ay ipinanganak sa San Pablo, Laguna. Sina Jaharra Mae, Gian Carlo, Judy Rose ang aking mga kapatid.
   Ang aking ina ang nagturo sa akin kung paano isulat ang aking pangalan noong ako'y apat na taong gulang. Noong ako'y anim na taong gulang na ay pinag-aral ako ng aking mga magulang sa elementarya ng Bagong Pook. At dito ako nakakilala ng mga kaibigan at natuto ng abakada at iba pang leksyon.
Ako, Si Gian, Jaharra at Judy Rose
     Tumuntong ako ng ikalawang baitang sa elementarya na dala ang mga nalalaman ko noong ika unang baitang. At dito ako natutong bumasa at nagkaroon ng maraming mga kaibigan. Nagkaroon ng marami pang leksyon ngunit masaya ang pagiging estudyante sa ikalawang baitang. Dahil marami akong nalalaman sa mga leksyon na itinuturo sa akin ng mga guro.

     Noong ako'y nasa ikatlong baitang sa elementarya, nalaman ko na lalo pang humihirap ang mga leksyon na itinuturo, kaya lalo akong nagsumikap na mag-aral. At nagkaroon ng kaibigan at nalaman ko mayroon din kaming pagkakaiba sa ugali at kilos.At lagi kaming nabibigyan ng maraming aralin dahil sa pagkukulitan sa loob ng klase.Di ba maraming paniniwala sa bagong taon. Katulad ng pagpapaputok at pag susuot ng kulay pula. Dahil ayon daw sa alamat may isang halimaw daw ang dumarating upang kumain ng mga bata na diskubre ng isang monghe na ang halimaw ay takot sa pula at sa mga maingay na bagay kaya tuwing bagong taon at dumarating ang halimaw nagpapaputok at nag susuot ng pula upang takutin ang halimaw at may iba pang paniniwala katulad ng labing dalawang prutas simbolo ng labing dalawang buwan at pag susuot ng may bilog-bilog sa mga disenyo at pag lalagay  ng malagit na kakanin. Sa tuwing nagpapaputok sa amin talagang nakakabingi marami din mga ilaw at ang mga handa ay napaka sasarap. Nung bata pa ako lagi akong pinapatalon ni mama para tumangkad ako na hanggang ngayon ay ginagawa ko sa tuwing tapos na ang bagong taon. Lalabas ako sa amin para makisaya sa aming kapitbahay.

Ako, si Mommy at kuya 
      Nang sumunod na taon, ako'y nasa ika-apat na baitang na, iba't-ibang muka, kaibigan at mga guro ang aking nakilala, dito ako natutong makipag-away dahil sa pag-aasaran, natutong humanga sa mga taong mas matalino at mabait kaysa sa akin. Ngunit patuloy na nag-aaral na mabuti upang makatapos ng elementarya. At nang natapos ang taon ay natapos ko rin ang ika-apat na baitang.

       Hanggang sa ako'y makatungtong ng ika-limang baitang. Dito kami pinapipili kong ano ang gusto naming trabaho pagnakatapos na ng pag-aaral. Marami ang sumagot sa aming magkakaklase pero, hindi ako sumagot dahil hindi ko pa alam ang gusto kong trabaho paglaki. Pero may bagay na akong gustong matupad, ang bagay na iyon ay tulungan ang aking mga magulang. Kaya nag-aral akong mabuti at hinihiling ko na matupad ang bagay na makatutulong sa aking mga magulang.

        Noong ako'y nasa ika-anim na baitang na, iba na ang kakalase ko at dahil nga sa nasanay ako sa ibang kaklase ko nahirapan akong makibagay sa kanila dahil iba ang mundo nila kaysa sa akin kaya mas madalas nalaitin nila ako. Pero tinitiis ko nalang yun iniisip ko nalang nakailangan mag-aral dahil malalampasan ko sila sa tuwing tinutukso nila ako lagi ko nalang iniisisp iyon. Ay pinilit kong pataasin ang aking marka upang matuwa ang aking mga magulang, ako ay natutuwa dahil malapit na kaming magtapos ng elentarya. Kaya nag-aral pa kami ne mabuti upang makatapos ng elementarya. Magtatapos na kami at ako ay na iyak dahil unti-unti ng natutupad ang aking mga pangarap.

         Pagkalipas ng isang taon, Ako'y pumasok sa Col.Lauro D. Dizon National Memorial High School at tumuntong ng ika-unang baitang ng sekondarya sa edad na 12, marami na ang nagbago sa aking sarili at alam ko rin na hindi na ito kagaya ng elementarya. Marami akong nalaman maraming naging kaibigan, ngunit ako ay napa-away dahil sa matinding panghihiya sa loob ng klase, kami ay pinag-bati ng aming guro.

         Noong nasa ikalawang baitang na ako ng sekondarya, ay iba't-ibang mga kaklase ang aking nakilala muling nagkaroon ng mga kaibigan. Subalit sa di naasahang pangyayari ay itinulak ako ng aking kamag-aral, ngunit hindi ako lumaban dahil baka maulit nanaman ang mga pangyayari noong ako ay nasa unang baitang ng sekondarya.

         Noong ako'y nasa ikatlong baitang na, maraming kaalaman nanaman ang aking nakuha maraming kabarkada at mga guro. Ngunit dito ko natutunan na dapat hindi dapat binabasta-basta ang mga leksyon, dahil maaring ito ang maging dahilan kung bakit ka bumagsak.

          At sa kasalukuyan ako'y nag-aaral ng ika-apat na baitang ng sekondarya, Iba't-ibang muka ang aking nakita iba't ibang ugali ngunit iisa ang hangarin ang makapagtapos ng sekondarya. Marami sa kanila ay nagbubulakbol kaya't marami ang bumagsak sa deliberasyon ng mga leksyon. Hindi ko alam kung ako'y makakatapos, pero maraming mga kaibigan at ang aking magulang ang naging inspirasyon para ako'y mag-aral na mabuti. At ngayon ay nalalapit na ang pagtatapos sana ako ay palaring makasama doon.Ngayong nalalapit na ang aming pagtatapos, nahihinuha ko na sa aking sarili ang magiging sunod na kabanata ng buhay ng bawat isa sa amin. Mayroon lamang akong isang kahilingan para sa lahat, “ gawin nating tuntungan ang kakulangan o kabiguang dinaranas para magtagumpay at ikapit natin sa aking sarili ang katapatan upang mabigyang solusyon ang bawat problema na dadaan”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento