Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay ni Edibon



10 MONTHS OLD PICTURE


                                    

                        ANG AKING TALAMBUHAY
         EDIBON SINGRIMOTO FLORES


        Sino ba ang tunay na ako ?Sino-sino nga ba ang mga taong tumulong sa akin upang mahubog ang aking tunay na pagkatao ?Anu-ano nga ba ang mga bagay na aking nakamit sa aking buhay ?Anu-ano pa ba ang mga pangarap na nais kong matamo ako si Edibon Singrimoto Flores tubong lungsod ng Laguna. 
3 YEARS OLD PICTURE
Ako ayisinilang noong ika-anim ng enero taong 1995 .Ang aking ama ay si EdiSon Mendoza Flores siya ay lumaki at likas na taga san pablo .Ang aking ama ay isinilang noong ika-19 ng Oktubre taong 1963. Ang aking ina naman ay si Jessica Singrimoto flores isinilang noong ika-29 ng Disyembre taong 1972 . Ang aking ina ay tubong San Juan, Batangas, sila ay nag pakasal noong ika-14 ng Marso taong 1992 . Dalwa kaming naging bunga ng kanilang pag-mamahalan.Ako ay may isang kapatid na babae na bmaas nakakatanda sa akin. Siya ay si Cyrin Edilyn Singrimoto Flores . Siya ay isinilang nong ika-17 ng Disyembre taong 1992.
        Nag simula akong mag-aral noong akoy anim na taong gulang. Nag aral ako ng day care sa barangay san miguel day care center. Natatandaan ko pa ang laging sinasabi ng aking guro "kailangan niyong mag-aral para koyo ay yumaman". Hindi iyon nawawala sa aking isipan dahil ayon ang laging sinasabi nang aking unang guro na si Bb.Reyes.
        Pag katapos ko ng aking day care ay pumasok na ako sa brgy.San Gabriel Elementary School para sa aking unang baitang ito ay noong 2001. Dito ko nakilala ang isa sa gurong na pakabait at 
FIRST YEAR HIGH SCHOOL PICTURE
matiyaga siya ay si Ginang Pestijo tinuruan niya akong bumasa at sumulat. Napakamaunawain niyang guro.     Lumipas ang aking pagiging estudyante sa ikalwa, akatlo, at ikaapat na baitang. Pagdating ko sa ikalimang baitang mas naging nakakapagod ngunit napaksaya ng aking buhay dahil napasali ako sa tream ng baseball sa aming paaralan. Kinailangan naming magensayo para sa mga laban na aming haharapin. Ngunit sabi nga kung hindi para sayo ay hindi magbubunga. Umuwi kaming talo ngunit alam naming magkakagrupo na ginawa namin ang lahat ng aming
makakaya. sabi nga ni coach "better luck next time." Pagdating ko sa ikaanim na baitang nuong taong 20036 kasali muli ako sa baseball team mas dinagdagan namin ang oras at tiyaga sa aming pageensayo, Sa araw ng aming laban lahat ay kabado ngunit ipinakita namin ang aming galing at nagbunga naman ito dahil kami ay nagtagumpay. Ito rin ang taon ng aming pagtatapos ang lahat ay malungkot dahil magkakahiwahiwalay kami ngunit alam naminsa aming sarili na hindi dito nagtatapos ang aming samahan.
4TH YEAR HIGH SCHOOL PICTURE
 Pumasok ako sa eskwelahan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Doon marami akong pagbabagong ginagawa.Tulad ng pagkahilig sa mga bagay bagay at mga libangan.Mas masarap pala ang mag-aral sa sekundarya kaysa sa elementarya.Dito makikilala mo lahat ng tunay mong kaibigan na tunay na magmamalasakit sayo.Ginagawa ko ang lahat upang makapasa,Nag-aaral akong mabuti.Pumapasok ako araw-araw at lagi kong pinagtutuunan ng pansin ang aking pag-aaral.Paguwi sa bahay gumagawa ako ng mga takdang araling binigay sa akin ng aking mga guro.November 09  araw ng aking kaarawan.Simple lng ang okasyon pero sama-sama parin kami kahit wala na akong ama.Hiniling ko sa panginoon na magkasama pa rin kaming pamilya hanggang sa pagtanda namin.          


Ang unang araw ko sa aking sekondarya ay talagang kakaiba dahil sobra ang aking kabadahil wala akong kakilala at kailangan kong makisama sa mga bagong taong aking makakasalamuha. Ngunit hidi rin naman pala mahirap makisama sa kanila dahil naman sila ay mababait at mabubuting tao. Sinabi ko sa aking sarili na ngayong ako ay nasa sekondarya na mas pagbubutihin ko ang aking pagaaral. Masayang lumipas ang aking unang aton sa sekondarya. At noong taong 2008pagtungtong ko ng ikalawang taon sa aiking sekondarya nagbunga ang aking mga paghihirapdahil tumaas ang aking seksyon at naging masaya din ako sa mga bago kong kaklase. Masaya ding lumipas ang aking ikalawa at ikatlong taon sa sekondarya.
          Malapit ko nang makamit ang aking diploma dahil ako ay nasa ikaapat na taon na sa aking sekondarya. MAs nagiging malapit ako sa aking mga kaklase. Tinuring na namning kapatid ang bawat isa.Magkakasama naming hinaharap ang bawat problema. Masaya kaming dumalo sa aming JS Prom. Sumayaw kami at tumawa ng magkakasama.. Mas binibigyan na namin ng oras ang aming pag aaral at pinapahalagahan din namin ang aming samahan.Kasi marami akong nakilala at nakasalamuhang ibang tao. At ngayon, malapit na akong makatapos ng sekondarya at malapit na rin kaming magkahiwa-hiwalay ng aking mga kaklase.Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga nangyari sa akin ngayong hayskul. Lagi kong isinasaisip na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap. Pipilitin kong makatapos ng pag-aaral dahil ito ay aking mapapakinabangan pagdating ng araw. .3-G naman ang naging aking section noong ako ya 3rd year high school.

            At ngayon nalalapit na ang aming pagtatapos. Umaasa kaming hindi magkakalimutan at magiging magkakaibigan pa din. At nanalangin kami na magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat isa sa amin para sa aming sarili at sa aming pamilya.natutuwa ako dahil malapit ko ng makamit ang aking mga pangarap.Nagpapasalamat ako sa mga guro  dahil sila ang nagbigay ng kaalaman sa akin upang mahubog ko pa ang aking talento at sa iba pang mga kabataan.Nagpapasalamat din ako sa aking ina na naging inspirasyon ko upang matapos ko ang aking pag-aaral at makamit ko ang aking mga pangarap.


FAMILY PICTURE!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento