Biyernes, Pebrero 25, 2011

Talambuhay Ni Genesis J,Diaz

4 months old
       Ang aking talambuhay simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.Ako si Genesis J,Diaz isinilang ako sa probinsya ng Cabitala,Nueva Ecija noong December 20,1993.Ang aking magulang ay sina Rodrigo Yazon, Diaz at Maribel Joaqui, Diaz.Isa lamang ang aking kapatid ang bunso kung kapatid ay si Jaraziel Jouquin,Diaz ako ang panganay sa aming magkapatid.Sila ay galak na galak noong ako’y isinilang dahil sobrang lusog ko.Ito ang litrato ko noong ako ay 4months old palamang.Ito naman noong 7months old palang.Nung ako ay 7months old ako ay naghanda ang aking magulang ng simplang salu-salo. Ako ay masaya noon dahil naroon ang aking mga pinsan. Madami ang nagbigay sa akin ng regalo na aking ikinatuwa. Madami ring tao ang pumunta at kumain sa aking kaarawan. Masaya ang ika-pito kong kaarawan dahil kumpleto ang aking pamilya





7Months old

      Ang aking ina ang una kung naging guro bago ako pumasok ng kinder.Noong 1998 ako ay pumasok ng kinder sa Cabitala,Nueva Ecija ang aking guro ay si Gng.Merlita Gogotano .Ako ay lumaban ng tula at ang aking ginaya ay si Dr.Jose Rizal pang anim ang aking puwesto.At dumating na ang panahon nang ako ay nagkaroon na ng isip. Tumuntong ako sa pinaka primaryang antas ng pag-aaral sa edad na anim. Nag-simula nnaman akong tumuntong sa unang baitang ng elementarya a edad na pito. Naaalala ko noon na hindi ako pinapayagang maglaro ng aking ina sa oras ng tanghalian dahil sa halip ay mga libro ang pinapahawakan niya sa akin.At kami ay lumipat ng San Pablo City,Laguna.Dito ko ipinag patuloy ang aikng pag aaral ng elementary noong taong 2000.Madalas din kaming mag-swimming kasama ang aking mga kamag-anak. Madalas ay nagtutungo sa ibat-ibang resort. Madalas kong ginagawa ay ang pag-ihi sa pool kahit bawal. Hindi ko makakalimutan noong kami’y nagpunta noon sa pansol kasama ang mga manlalaro ng basketball na nagwagi ng kampyonato.Elementary pa lang ako ay naging malungkot, masaya at makulay ang aking buhay. Kinder pa lamang ako noon ay lubah na akong makulit pero kakikitaan pa rin ng katahimikan. Akala ko noon ay half-day pa rin kahit  nasa unang baitang na ako. Madami akong naging kaibigan at madami rin akong naging nakilala na mga taga ampunan.Naging kabado ako dahil bago na naman ang makakasalamuha ko. Ngunit unang pasukan palang noon marami na agad akong nakikilalang mga kaibigan. Mabait at matalino ang mga naging guro ko, kaya madali kong nakuha ang kanilang tinuturo.kaya guto kong pumasok ng elementarya dito sa pagkat mababait ang guro dito.Maaga akong pumasok at lagi akong tumutulong sa paglilinis ng loob at labas ng silid-aralan. Pagdating ko sa hapon sa aming bahay ay ginagawa ko na ang lahat ng takdang aralin. Nagkaroon sa amin ng paligsahan sa pagsulat ng balita, at ako ang pinili ng aming guro na ilaban para sa pagsulat ng balitang pampalakasan. Kahit sabado ay nagpapraktis kami ng pagsulat, kasama ko ang aking kaibigan. Inaabot kami ng hapon sa pagpapraktis. Minsan nagkaroon kami ng piknik kasama ang aking mga kaklase. Masaya kaming naglalangoy sa ilog at sabay-sabay kaming kumain sa dahon ng saging.Nang tumagal tagal na ay na sanay na din ako at dito ko pa rin ipinag patuloy ang aking pag aaral ng elementary dito na rin ako nakapagtapos ng pag aaral ng elementary.Ang aking mga naging guro ay sina Mam,Alimagno ,Casilang,Adajar,Quina,Bulahan,Del Rosario,Sir leo at ang aming naging principal hanggang ako ay nakapagtpos ng elementarya ay sina Sir Bagsic,Mam Ricka at Mam Dionglay. Dumating ang araw ng aking pagtatapos ng elementarya. Lahat kami ay may saya at lungkot sa mukha. Tuwang-tuwa ang aking magulang dahil sa aking pagtatapos.Tumuntong ako ng Grade 6 masasabi ko na ito ang pinaka masayang lebel ng elementary dahil na rin sa mga nagging karanasan ko ditto.Isa na ditto ang pag kukulitan naming ng mga kabarkada ko, lagi kaming mag kakatabi sa room, napakaingay lagi naming at ito ang nagiging dahilan para pagsulatin kami ng aming teacher ng  –HINDI NA PO ULIT KAMI MAG IINGAY- sa limang pirasong papel. Dumating ang bakasyon pagkatapos ng elementarya. Nagkaroon ng swimming sa amin ng pamilya. Isinama ko ng aking matalik na kaibigan, upang makapaglinag naman ako noong bakasyon. Gumigising kami ng maaga upang mag-jogging. Kasama ang aming taga-payo. Masaya naman kahit kami ay kulang pa ng tulog.
Ako at aking mga pinsan
      Sa Col Lauro D.Dizon Memorial National High School ko naman pinag patuloy ang aking pag aaral ng high school.1-E ang aking nagging secton noong ako ay pumasok ng 1st year high school ang aking naging advicer ay si Mam Briñas.2-F naman ang aking nagging section noong ako ay 2nd year high school ang aking advicer ay si Mam,Delos Angeles.Naging masaya ang buhay ng sekondarya para sa akin, kasi marami akong nakilala at nakasalamuhang ibang tao. At ngayon, malapit na akong makatapos ng sekondarya at malapit na rin kaming magkahiwa-hiwalay ng aking mga kaklase.Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga nangyari sa akin ngayong hayskul. Lagi kong isinasaisip na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap. Pipilitin kong makatapos ng pag-aaral dahil ito ay aking mapapakinabangan pagdating ng araw. .3-G naman ang naging aking section noong ako ya 3rd year high school.
Noong ako'y  sumali ng tula
Ito naman an gaming picture noong kami ay nag JS noon kami ay 3rd year high school.At ako ay kasalukuyang 4th year high school ang aking section ay 4-g at ang aming advicer ay si Mam,De Ocampo.Maraming mga masasayang bagay ang aking naranasan mula noong ako'y tumuntong ng sekundarya marami kaibigan at mga guro na sumusuporta upang ako ay makatapos ng sekundarya. Maraming karanasan ang aking nakuha mula sa pinag-aaralan, sumali ako ng JS prom marami akong nakasayaw. At ngayon malapit na kaming magtapos ng sekundarya. Sana'y ako ay palaring makasama sa graduation at makatapos hanggang sa matutong ng kolehiyo. Ito ang aking talambuhay simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
JS prom

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento