Biyernes, Pebrero 25, 2011

Talambuhay Ni Genesis J,Diaz

4 months old
       Ang aking talambuhay simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.Ako si Genesis J,Diaz isinilang ako sa probinsya ng Cabitala,Nueva Ecija noong December 20,1993.Ang aking magulang ay sina Rodrigo Yazon, Diaz at Maribel Joaqui, Diaz.Isa lamang ang aking kapatid ang bunso kung kapatid ay si Jaraziel Jouquin,Diaz ako ang panganay sa aming magkapatid.Sila ay galak na galak noong ako’y isinilang dahil sobrang lusog ko.Ito ang litrato ko noong ako ay 4months old palamang.Ito naman noong 7months old palang.Nung ako ay 7months old ako ay naghanda ang aking magulang ng simplang salu-salo. Ako ay masaya noon dahil naroon ang aking mga pinsan. Madami ang nagbigay sa akin ng regalo na aking ikinatuwa. Madami ring tao ang pumunta at kumain sa aking kaarawan. Masaya ang ika-pito kong kaarawan dahil kumpleto ang aking pamilya





7Months old

      Ang aking ina ang una kung naging guro bago ako pumasok ng kinder.Noong 1998 ako ay pumasok ng kinder sa Cabitala,Nueva Ecija ang aking guro ay si Gng.Merlita Gogotano .Ako ay lumaban ng tula at ang aking ginaya ay si Dr.Jose Rizal pang anim ang aking puwesto.At dumating na ang panahon nang ako ay nagkaroon na ng isip. Tumuntong ako sa pinaka primaryang antas ng pag-aaral sa edad na anim. Nag-simula nnaman akong tumuntong sa unang baitang ng elementarya a edad na pito. Naaalala ko noon na hindi ako pinapayagang maglaro ng aking ina sa oras ng tanghalian dahil sa halip ay mga libro ang pinapahawakan niya sa akin.At kami ay lumipat ng San Pablo City,Laguna.Dito ko ipinag patuloy ang aikng pag aaral ng elementary noong taong 2000.Madalas din kaming mag-swimming kasama ang aking mga kamag-anak. Madalas ay nagtutungo sa ibat-ibang resort. Madalas kong ginagawa ay ang pag-ihi sa pool kahit bawal. Hindi ko makakalimutan noong kami’y nagpunta noon sa pansol kasama ang mga manlalaro ng basketball na nagwagi ng kampyonato.Elementary pa lang ako ay naging malungkot, masaya at makulay ang aking buhay. Kinder pa lamang ako noon ay lubah na akong makulit pero kakikitaan pa rin ng katahimikan. Akala ko noon ay half-day pa rin kahit  nasa unang baitang na ako. Madami akong naging kaibigan at madami rin akong naging nakilala na mga taga ampunan.Naging kabado ako dahil bago na naman ang makakasalamuha ko. Ngunit unang pasukan palang noon marami na agad akong nakikilalang mga kaibigan. Mabait at matalino ang mga naging guro ko, kaya madali kong nakuha ang kanilang tinuturo.kaya guto kong pumasok ng elementarya dito sa pagkat mababait ang guro dito.Maaga akong pumasok at lagi akong tumutulong sa paglilinis ng loob at labas ng silid-aralan. Pagdating ko sa hapon sa aming bahay ay ginagawa ko na ang lahat ng takdang aralin. Nagkaroon sa amin ng paligsahan sa pagsulat ng balita, at ako ang pinili ng aming guro na ilaban para sa pagsulat ng balitang pampalakasan. Kahit sabado ay nagpapraktis kami ng pagsulat, kasama ko ang aking kaibigan. Inaabot kami ng hapon sa pagpapraktis. Minsan nagkaroon kami ng piknik kasama ang aking mga kaklase. Masaya kaming naglalangoy sa ilog at sabay-sabay kaming kumain sa dahon ng saging.Nang tumagal tagal na ay na sanay na din ako at dito ko pa rin ipinag patuloy ang aking pag aaral ng elementary dito na rin ako nakapagtapos ng pag aaral ng elementary.Ang aking mga naging guro ay sina Mam,Alimagno ,Casilang,Adajar,Quina,Bulahan,Del Rosario,Sir leo at ang aming naging principal hanggang ako ay nakapagtpos ng elementarya ay sina Sir Bagsic,Mam Ricka at Mam Dionglay. Dumating ang araw ng aking pagtatapos ng elementarya. Lahat kami ay may saya at lungkot sa mukha. Tuwang-tuwa ang aking magulang dahil sa aking pagtatapos.Tumuntong ako ng Grade 6 masasabi ko na ito ang pinaka masayang lebel ng elementary dahil na rin sa mga nagging karanasan ko ditto.Isa na ditto ang pag kukulitan naming ng mga kabarkada ko, lagi kaming mag kakatabi sa room, napakaingay lagi naming at ito ang nagiging dahilan para pagsulatin kami ng aming teacher ng  –HINDI NA PO ULIT KAMI MAG IINGAY- sa limang pirasong papel. Dumating ang bakasyon pagkatapos ng elementarya. Nagkaroon ng swimming sa amin ng pamilya. Isinama ko ng aking matalik na kaibigan, upang makapaglinag naman ako noong bakasyon. Gumigising kami ng maaga upang mag-jogging. Kasama ang aming taga-payo. Masaya naman kahit kami ay kulang pa ng tulog.
Ako at aking mga pinsan
      Sa Col Lauro D.Dizon Memorial National High School ko naman pinag patuloy ang aking pag aaral ng high school.1-E ang aking nagging secton noong ako ay pumasok ng 1st year high school ang aking naging advicer ay si Mam BriƱas.2-F naman ang aking nagging section noong ako ay 2nd year high school ang aking advicer ay si Mam,Delos Angeles.Naging masaya ang buhay ng sekondarya para sa akin, kasi marami akong nakilala at nakasalamuhang ibang tao. At ngayon, malapit na akong makatapos ng sekondarya at malapit na rin kaming magkahiwa-hiwalay ng aking mga kaklase.Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga nangyari sa akin ngayong hayskul. Lagi kong isinasaisip na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap. Pipilitin kong makatapos ng pag-aaral dahil ito ay aking mapapakinabangan pagdating ng araw. .3-G naman ang naging aking section noong ako ya 3rd year high school.
Noong ako'y  sumali ng tula
Ito naman an gaming picture noong kami ay nag JS noon kami ay 3rd year high school.At ako ay kasalukuyang 4th year high school ang aking section ay 4-g at ang aming advicer ay si Mam,De Ocampo.Maraming mga masasayang bagay ang aking naranasan mula noong ako'y tumuntong ng sekundarya marami kaibigan at mga guro na sumusuporta upang ako ay makatapos ng sekundarya. Maraming karanasan ang aking nakuha mula sa pinag-aaralan, sumali ako ng JS prom marami akong nakasayaw. At ngayon malapit na kaming magtapos ng sekundarya. Sana'y ako ay palaring makasama sa graduation at makatapos hanggang sa matutong ng kolehiyo. Ito ang aking talambuhay simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
JS prom

Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni John Ranel De vera Dimaculangan

Ako at Kuya ko.
      Ako si John Ranel De Vera Dimaculangan pinanganak noong hunyo 11, 1995 ako ang bunso sa apat na anak ng mag-asawang Arnel Hernandez Dimaculangan at ang asawa nitong si Judith De Vera ako ay ipinanganak sa San Pablo, Laguna. Sina Jaharra Mae, Gian Carlo, Judy Rose ang aking mga kapatid.
   Ang aking ina ang nagturo sa akin kung paano isulat ang aking pangalan noong ako'y apat na taong gulang. Noong ako'y anim na taong gulang na ay pinag-aral ako ng aking mga magulang sa elementarya ng Bagong Pook. At dito ako nakakilala ng mga kaibigan at natuto ng abakada at iba pang leksyon.
Ako, Si Gian, Jaharra at Judy Rose
     Tumuntong ako ng ikalawang baitang sa elementarya na dala ang mga nalalaman ko noong ika unang baitang. At dito ako natutong bumasa at nagkaroon ng maraming mga kaibigan. Nagkaroon ng marami pang leksyon ngunit masaya ang pagiging estudyante sa ikalawang baitang. Dahil marami akong nalalaman sa mga leksyon na itinuturo sa akin ng mga guro.

     Noong ako'y nasa ikatlong baitang sa elementarya, nalaman ko na lalo pang humihirap ang mga leksyon na itinuturo, kaya lalo akong nagsumikap na mag-aral. At nagkaroon ng kaibigan at nalaman ko mayroon din kaming pagkakaiba sa ugali at kilos.At lagi kaming nabibigyan ng maraming aralin dahil sa pagkukulitan sa loob ng klase.Di ba maraming paniniwala sa bagong taon. Katulad ng pagpapaputok at pag susuot ng kulay pula. Dahil ayon daw sa alamat may isang halimaw daw ang dumarating upang kumain ng mga bata na diskubre ng isang monghe na ang halimaw ay takot sa pula at sa mga maingay na bagay kaya tuwing bagong taon at dumarating ang halimaw nagpapaputok at nag susuot ng pula upang takutin ang halimaw at may iba pang paniniwala katulad ng labing dalawang prutas simbolo ng labing dalawang buwan at pag susuot ng may bilog-bilog sa mga disenyo at pag lalagay  ng malagit na kakanin. Sa tuwing nagpapaputok sa amin talagang nakakabingi marami din mga ilaw at ang mga handa ay napaka sasarap. Nung bata pa ako lagi akong pinapatalon ni mama para tumangkad ako na hanggang ngayon ay ginagawa ko sa tuwing tapos na ang bagong taon. Lalabas ako sa amin para makisaya sa aming kapitbahay.

Ako, si Mommy at kuya 
      Nang sumunod na taon, ako'y nasa ika-apat na baitang na, iba't-ibang muka, kaibigan at mga guro ang aking nakilala, dito ako natutong makipag-away dahil sa pag-aasaran, natutong humanga sa mga taong mas matalino at mabait kaysa sa akin. Ngunit patuloy na nag-aaral na mabuti upang makatapos ng elementarya. At nang natapos ang taon ay natapos ko rin ang ika-apat na baitang.

       Hanggang sa ako'y makatungtong ng ika-limang baitang. Dito kami pinapipili kong ano ang gusto naming trabaho pagnakatapos na ng pag-aaral. Marami ang sumagot sa aming magkakaklase pero, hindi ako sumagot dahil hindi ko pa alam ang gusto kong trabaho paglaki. Pero may bagay na akong gustong matupad, ang bagay na iyon ay tulungan ang aking mga magulang. Kaya nag-aral akong mabuti at hinihiling ko na matupad ang bagay na makatutulong sa aking mga magulang.

        Noong ako'y nasa ika-anim na baitang na, iba na ang kakalase ko at dahil nga sa nasanay ako sa ibang kaklase ko nahirapan akong makibagay sa kanila dahil iba ang mundo nila kaysa sa akin kaya mas madalas nalaitin nila ako. Pero tinitiis ko nalang yun iniisip ko nalang nakailangan mag-aral dahil malalampasan ko sila sa tuwing tinutukso nila ako lagi ko nalang iniisisp iyon. Ay pinilit kong pataasin ang aking marka upang matuwa ang aking mga magulang, ako ay natutuwa dahil malapit na kaming magtapos ng elentarya. Kaya nag-aral pa kami ne mabuti upang makatapos ng elementarya. Magtatapos na kami at ako ay na iyak dahil unti-unti ng natutupad ang aking mga pangarap.

         Pagkalipas ng isang taon, Ako'y pumasok sa Col.Lauro D. Dizon National Memorial High School at tumuntong ng ika-unang baitang ng sekondarya sa edad na 12, marami na ang nagbago sa aking sarili at alam ko rin na hindi na ito kagaya ng elementarya. Marami akong nalaman maraming naging kaibigan, ngunit ako ay napa-away dahil sa matinding panghihiya sa loob ng klase, kami ay pinag-bati ng aming guro.

         Noong nasa ikalawang baitang na ako ng sekondarya, ay iba't-ibang mga kaklase ang aking nakilala muling nagkaroon ng mga kaibigan. Subalit sa di naasahang pangyayari ay itinulak ako ng aking kamag-aral, ngunit hindi ako lumaban dahil baka maulit nanaman ang mga pangyayari noong ako ay nasa unang baitang ng sekondarya.

         Noong ako'y nasa ikatlong baitang na, maraming kaalaman nanaman ang aking nakuha maraming kabarkada at mga guro. Ngunit dito ko natutunan na dapat hindi dapat binabasta-basta ang mga leksyon, dahil maaring ito ang maging dahilan kung bakit ka bumagsak.

          At sa kasalukuyan ako'y nag-aaral ng ika-apat na baitang ng sekondarya, Iba't-ibang muka ang aking nakita iba't ibang ugali ngunit iisa ang hangarin ang makapagtapos ng sekondarya. Marami sa kanila ay nagbubulakbol kaya't marami ang bumagsak sa deliberasyon ng mga leksyon. Hindi ko alam kung ako'y makakatapos, pero maraming mga kaibigan at ang aking magulang ang naging inspirasyon para ako'y mag-aral na mabuti. At ngayon ay nalalapit na ang pagtatapos sana ako ay palaring makasama doon.Ngayong nalalapit na ang aming pagtatapos, nahihinuha ko na sa aking sarili ang magiging sunod na kabanata ng buhay ng bawat isa sa amin. Mayroon lamang akong isang kahilingan para sa lahat, “ gawin nating tuntungan ang kakulangan o kabiguang dinaranas para magtagumpay at ikapit natin sa aking sarili ang katapatan upang mabigyang solusyon ang bawat problema na dadaan”.

Ang Talambuhay ni Mendoza,Kevin Sanchez

3rd year po ako nito.
JS po namin yan nung 3rd kami.
                 Ang buo kong pangalan ay Mendoza,Kevin Sanchez.Ako ay isang batang may tiwala sa sarili,may paninindigan at mapagmahal na anak .Marami akong pangarap sa aking sarili at maging sa pamilya ko.Sa ngayon ako ay nag-aaral pa lamang at ang mga magulang ko ang aking insipirasyon para makatapos ng pag-aaral at upang masuklian ko ang kanilng mga paghihirap upang makapagtapos lng kami ng pag-aaral
                        Isinilang ako nonng november 09,1994 sa Lungsod ng San Pablo Laguna.Masaya ako sa dahil ngkaroon ako ng mapagmahal na magulang.Ang pangalang ng aking ina ay si Nilda Mendoza na ipinanganak noong January 09,1963.Pinagmamalaki ko ang aking ina,dahil ginagampanan niya ng tama ang mga responsibilidad niya bilang isang ina.Ang pangalan nmn ng aking ama ay si Jerome Mendoza na pinanganak noong June 28,1968.Pinagamamalaki ko ang aking ama dahil pinipilit niyang maiahon sa hirap ng buhay ang aming pamilya.
           Natuto akong magsulat at bumasa sa edad na apat na taon.Ang ina ko ang nagtuturo sa aking sumulat at bumasa.Bago pa ako matulog binabasahan ako ng aking ina ng mga kwentong nakakaaliw at mga babasahing may maidudulot saking maganda hanggang sa ako ay makatulog ng mahimbing habang ang ama ko nmn ay nagtatrabaho pa upang magkaroon kami ng panggastos sa pang araw-araw.
Ate ko po yan.
          Pumasok ako sa eskwelahan sa edad na limang taon sa  Day Care Center.Malapit lamang ito sa amin kaya kahit hindi na ako hinahatid ng aking mga magulang ang ayos lng sa akin.Sumapit na ang kaarawan ng aking ama.Masayang-masaya ako dahil magkakasama ang aking pamilya.May pinangako ang aking ama sa akin noong kanyang kaarawan na isang bagay na ibibigay niya sa akin sa araw ng aking graduation.
           September 26,2000,Sa hinding inaaasahang pangyayari ay lumisan na ang aking ama.bagama't wala pa ako sa wastong isipan nararamdaman ko ang lungkot at galit ng aking ina dahil sa pagkamatay ng aking ama.Masakit pero kailangang tanggapin dahil lahat tayo lilisan din. Mula  nooon ang ina ko na lamang ang siyang nagiisang nagtataguyod ng aming pamilya.
           Noong nasa Ika-1 baytang na ako ng elementarya sa Bagong Pook naninibago ako dahil wala pa akong kilala.Hindi nagtagal nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan na palaging nagpapasaya sayo na laging kalaro mo kapag katapos ng klase.Masaya ako sa dahil marami akong natutunan sa kanila lalo na ang mabuting pakikipagkapwa.Hindi rin ako nag tagal sa eskwelahan ng Bagong Pook dahil malayo ito sa amin at mahirap lakadin ng isang batang katulad ko.Naisipan ng ina ko na mag palipat sa San Pablo Central School.Doon hindi ako masyadong napapagod at hindi ako laging nahuhuli sa klase.Syempre sa mga Christmas party sama-sama lagi ang mga estudyante at mga guro para mag party. Pero ako nasa isang sulok palaging nag iisa dahil nga ayaw nila makisama sa akin.
         Noong nasa Ika-2 baytang na ako.Naninibago ako nung una dahil sa hindi pa sila kilala.Hindi naging mahirap yun sa akin dahil alam kong mabait ako at mapagkakatiwalaan nila kaya madali akong nagkaroon ng panibagong kaibigan na tumutulong sa sayo at lagi mong kasama sa hirap at ginhawa.Tuwing awasan lagi kaming naglalaro minsan nag kakaaway dahil sa simpleng biruan.Natural lang ito sa lahat ng bata.Tuwing bakasyon ay masaya dahil marami akong napaglilibangan.Kasama ko rin ang aking pamilya at mga kaibigan na laging sumusuporta sa akin at at gumagabay upang makapagtapos ako ng pag-aaral.Nagbakasyon kami sa mga pinsan namin masaya ako dahil minsan lng kami mag kasama sa loob ng isang taon.Nilubos-lubos na namin ang pagsasama namin hanggan matapos ang bakasyon.
yan po ang sinakyan namin para
mag swimming.
           Malapit na nanaman ang pasukan.Nagahahanda na kami sa nalalapit na pasukan,nagaayos na kami ng mga aming gamit.Sa ika-3 baitang ay maramig akong natutunan sa aking mga guro,kaibiagan at sa iba ko pang nakasama.Masaya ako dahil nakilala ko sila.Sila ang nagturo sa akin kung paano mag malasakit sa kapwa,tumulong at gumalang sa nakakatanda.hanggang sa makarating ako sa ika-6 na baitang na hindi ko sila nalilimutan sila ang nagbukas ng aking isipan kung paano gumawa ng tama at itama ang mga kamalian.March 28.2007 gumaraduate ako sa elementarya ng San Pablo Central School.Natutuwa ako dahil unti-unti ko ng makakamit ang mga pangarap ko na maiahon sa hirap ng buhay ang aking pamilya. Nang gagraduate na ako ng elementary mas nagbago na ako kahit minsan ay psaway akomay oras na seryoso ako dahil na isip ko na mag hihigh school na ako. Pumasok na ako ng high sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mermorial National High School. Dito sa school sobrang dami ang nangyari, nagkarooon ako ng mga bagong kaibigan at kaklase
            Pumasok ako sa eskwelahan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Doon marami akong pagbabagong ginagawa.Tulad ng pagkahilig sa mga bagay bagay at mga libangan.Mas masarap pala ang mag-aral sa sekundarya kaysa sa elementarya.Dito makikilala mo lahat ng tunay mong kaibigan na tunay na magmamalasakit sayo.Ginagawa ko ang lahat upang makapasa,Nag-aaral akong mabuti.Pumapasok ako araw-araw at lagi kong pinagtutuunan ng pansin ang aking pag-aaral.Paguwi sa bahay gumagawa ako ng mga takdang araling binigay sa akin ng aking mga guro.November 09  araw ng aking kaarawan.Simple lng ang okasyon pero sama-sama parin kami kahit wala na akong ama.Hiniling ko sa panginoon na magkasama pa rin kaming pamilya hanggang sa pagtanda namin.December 25,2008,Pinagdiriwang namin ang kaarawan ng panginoon at nagpapadasal ang aking ina.Magkakasama kaming pamilya nagbibigayan kami ng mga regalo sa isa't isa.
Yung nasa gilid po ang aking ate.
                 Noong 2nd year na ako hanggang 3rd year nalulungkot ako sa mga nakikita kong pagwawalang bahala ng mga estudyante sa kanilang  pag-aaral.Sa kabila ng mga malulungkot na pangyayaring ito ay mayroon namang magagandang nangyari  sa akin sa buhay.Kailangan talaga ng paggabay ng mga magulang at mga guro.Upang maisaayos pa ang pag-aaral ng mga estudyante.Nag-aral pa rin ako ng mabuti dahil gusto kong makapag tapos ng pag-aaral.
               Noong 4th year na ako natutuwa ako dahil malapit ko ng makamit ang aking mga pangarap.Nagpapasalamat ako sa mga guro  dahil sila ang nagbigay ng kaalaman sa akin upang mahubog ko pa ang aking talento at sa iba pang mga kabataan.Nagpapasalamat din ako sa aking ina na naging inspirasyon ko upang matapos ko ang aking pag-aaral at makamit ko ang aking mga pangarap.

Ang Talambuhay Ni John Breddh I. Malabag

Graduation picture ko
dalawang taong gulang na ako d2
aakyat na ako sa stage para gumraduate
                 Ako si John Breddh Malabag na Ipinanganak noong August 03, 1995 na bunga ng pagmamahalan ng aking magulang na sina Elena Malabag na nag tatrabaho sa tahian,at ang ama kong si Romulo Malabag na ang trabaho ay ang pag kukumpuni tulad ng refrigerator,air conditioner,electricfan at maraming pang iba.At ang aking dalawang kapatid na sina Jeamima Malabag na panganay sa aming magkakapatid at ang bunso ay si Jamycca Malabag.
                    
            
graduation ko nung ako ay kinder
isang taong gulang pa ako dito
  At lumaki ako sa aming bahay sa San Lucas 2, San Pablo City Laguna,at noong limang taong gulang na ay ipinasok ako ng kinder sa San Lucas 2, Day Care Center.At habang ako ay pumapasok ay binabantayan ako habang nag-aaral dahil kapag ako ay iniwan ako ay umiiyak.Kaya hanggang ako ay na pasok ng kinder ay hatid ako ng nanay ko at hanggang matapos ang aking klase.At noong araw ng Graduation ay umakyat kami sa stage ng Central Elementary School.At noong bakasyon ay tinuturuan ako ng aking ina kung paano mag basa ng maayos at mag sulat.At tuwing hapon ay pinatutulog ako,dahil tuwing gigising ako ay may handang pag kain para ako daw ay lumaki. 
            
          At noong pasukan na dahil tapos na ang bakasyon ay pinapasok ako sa mababang paaralan ng San Lucas 2, Elementarty School.At pumasok ako doon bilang isang Grade 1,at inihahatid parin ako dahil umiiyak parin ako dahil naninibago ako sa aking mga kaklase.At makalipas ang ilang linggo ay hindi na ako binabantayan dahil nasanay na ako sa aking mga kasama sa aming silid aralan.Ngunit sinusundo ako tuwing hapon dahil sa baka ako ay mabangga ng mabibilis na sasakyan kaya hindi kami pinauuwi hanggat wala kaming sundong magulang dahil delikado sa dadaanang kalsada.At makalipas ang sampung buwan ay sinabi na kung sino ang makakapasa sa aming batch at kasama ako roon kaya tuwang tuwa ako at ang aking magulang.


                At nakatungtung ako sa ikalawang baytang bilang elementarya at doon lalo akong nakakilala ng mas maraming kaibigan kaya hindi ako tinatamad na pumasok.At doon ako natutong makipag away dahil sa aking isang kaklase na lagi akong kinukulit at sinasalaw kaya nag away kami, dahil sa siya ay nanununtok sa likod pero hindi ko naman sya inaano kaya nainis ako at gumanti ako.At nalaman ng aking ina na nakipag away ako at doon ako ay napagalitan at napalo ako ng aking ama.


                At noong ako ay naging Grade 3 ay may nag pagawa ng ilang silid paaralan upang madagdagan ang pwedeng pumasok na mga bata sa aming paaralan,at doon lalo akong nakakilala ng mas maraming kaibigan na mga mababait.At noong taon ding iyon ay ginawaan din ang aming paaralan ng isang covert court na pwede naming paglaruan at pag dausan ng mga patimpalak at mga contest sa aming bayan.


                At noong Grade 4 ay doon ko naramdaman ang magka gusto sa isang babae,at doon ko na laman na kapag pala ikaw ay may iniibig ay gusto mo syang lagi nakikita.At ang pagiging Grade 4 ang pinaka masaya kong taon ng pag pasok.At noong bakasyon ay nag bakasyon ako sa aking mga pinsan sa batangas at doon ay araw araw kaming nag lalaro ng taguan, habulan at marami pang iba, at masaya kami noon ngunit nang pauwi na ako ay nalungkot kaming lahat dahil matagal na uli bago kami uli maga kakasama.At noong nakauwi na kami ng aking tatay ay pumunta kami sa bayan at bumili ng gamit para sa pag pasok ko.At noong pasukan na ay ako ay masaya dahil meron akong inspirasyon.Inayus ko ang aking pag aaral dahil mahirap ang bumalik sa Grade 5 kaya nong binigay na ang kard at nalaman ko na ang aking pag sisikap ay nag bunga.At naging Grade 6 na ako, doon ay lalo kong ginalingan sa pag aaral  upang makatuntong ako ng high school, at sabi ng aking ama na kung hindi raw ako makakapasa ay titigil na ako sa pag aaral at nag aral lalo ako upang makamit ko ang aking mga pangarap.At noong binigay na ang kard ay nalaman ko na ako pla ay pasa, kaya ang mga gagraduate ay nag praktis na sa stage.At noong gradweysyon na ay marami ang kaklase ko ang nag siiyakan dahil mag kakahiwahiwalay na kaya ang iba ay nag bonding pagkatapos ng graduation.


                   At noong bakasyon ay tinutulungan ko ang aking ama sa pag tatrabaho at tueing hapon ay pinapayagan ako na gumala kasama ang aking mga kabarkada at pumupunta kami sa basket ball court at nag lalaro kami doon.At pagkatapos ng bakasyon ay inienroll ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.At doon ako ay pumasok ng 1st year high school at doon ako nakakilala ng mas maraming mga kaibigan,at noong ako ay 2nd year na ay marami pa akong nalaman na mga bagay   Noong nasa ikalawang baitang na ako ng sekondarya, ay iba't-ibang mga kaklase ang aking nakilala muling nagkaroon ng mga kaibigan. Subalit sa di naasahang pangyayari ay itinulak ako ng aking kamag-aral, ngunit hindi ako lumaban dahil baka maulit nanaman ang mga pangyayari noong ako ay nasa unang baitang ng sekondarya.Noong ako'y nasa ikatlong baitang na, maraming kaalaman nanaman ang aking nakuha maraming kabarkada at mga guro. Ngunit dito ko natutunan na dapat hindi dapat binabasta-basta ang mga leksyon, dahil maaring ito ang maging dahilan kung bakit ka bumagsak.




       3rd year nalulungkot ako sa mga nakikita kong pagwawalang bahala ng mga estudyante sa kanilang  pag-aaral.Kailangan talaga ng paggabay ng mga magulang at mga guro.Upang maisaayos pa ang pag-aaral ng mga estudyante.Nag-aral pa rin ako ng mabuti dahil gusto kong makapag tapos ng pag-aaral.

          At sa kasalukuyan ako'y nag-aaral ng ika-apat na baitang ng sekondarya, Iba't-ibang muka ang aking nakita iba't ibang ugali ngunit iisa ang hangarin ang makapagtapos ng sekondarya. Marami sa kanila ay nagbubulakbol kaya't marami ang bumagsak sa deliberasyon ng mga leksyon. Hindi ko alam kung ako'y makakatapos, pero maraming mga kaibigan at ang aking magulang ang naging inspirasyon para ako'y mag-aral na mabuti. At ngayon ay nalalapit na ang pagtatapos sana ako ay palaring makasama doon.At ngayong ako ay gagraduate na salamat...

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Ang Aking Talambuhay ni John Lee G Fullo


Ako po yung naka puti
      Ako po si John lee G Fullo anak nina Maricel Fullo at Renante Fullo,tatlo kaming magkakapatid sina John Rey Fullo at Wilmar Gesta,ipinanganak ako noong January 29, 1995 sa aming bahay.
Nagsimula ang aking buhay ng ako isilang ni Maricel Fullo,nakatira kami sa Barangay Bagong Pook Rail Side.
 Simple lamang ang aming pamumuhay.Hanggang ako'y nag kinder nagkaroon ako ng maraming kaibigan natutung sumulat,at masaya ako doon at hindi nag kulang sa payo ang aking mga magulang.
      Nagsimula na ako sa elementarya,nung una naninibago pa ako dahil wala pa akong kilala kaya pinilit kong makisama sa kanila masaya pala ang Grade 1,maraming kalaro at kaya ako'y masaya.
Handa po namin sa bagong taon
      Nang ako ay nasa Grade 2 na natuto na akong mag basa.At nasanay akong mag isa,buti na lang kasama ko ang aking pinsan hindi na akong nalungkot mag isa.At nang bakasyon sa pinsan kong bahay ako nag bakasyon masaya rin doon dahil marami akong kalaro at mabait ang tiyuhin ko at tiyahin ko sa akin.
      Ngayong ako ay nasa Grade 3 na,mas alam ko na ang tama at mali kaya naiwasan kong maki pag away sa mga taong walang kuwenta.At inilipat kami ng silid aralan dahil wala ng nag tuturo sa amin dahil nag retire na.At inilipat ako sa section 12,mahirap doon dahil mataray ang aming guro kaya hindi maganda ang aking buhay Grade 3.Ang pasko naman sa aming bahay ay sobrang saya sabi ni mama na may Santa Claus daw pero di ako naniniwala doon. Paano ba naman ang makakapasok si Santa kung walang papasukan kaya nag imbestiga ako sa gabi na nang malaman ko sina mama at papa nga lang talaga yan at napatawa nalang ako tama nga ako walang Santa Claus. Si Santa Claus pala ay aking mga magulang. Kinaumagahan nakita ko ang aking regalo sabi ni mama ”dib a totoo si Santa?” at ngumiti nalang ako at sinabi ko sa kanya “opo totoo po sila “ may halong pagtataka si mama bakit ko sinabing “sila” ehh isa lamang  si Santa siguro. Nahalata ni mama na alam ko na sila ang nagreregalo sa amin at hindi si Santa
      Noong ako ay Grade 4, dito ako natutong humanga sa isang babae na anak pala ng katrabaho ng tatay ko. Hinangaan ko siya dahil siya ay matalino at maganda kaya masasabi kong ang saya ng buhay grade 4 ko.
New Years Party namin
      Nagpatuloy ako hanggang nasa Grade 5 na ako dito napakasaya ko dahil mabait ang aking mga kaibigan at guro. Ngunit dito rin ako natutong makipagayaw.Pero dito may matalik akong kaibigan si Ardwin Delos Santos, dahil siya ay matalino nagpapaturo ako sa kanya kapag hindi ko alam ang leksyon namin.Kaya maraming-maraming salamat sa kanya.
      Hanggang ako'y nasa Grade 6 na dito naging pinakamasaya ang buhay elementarya ko dahil sa ang mga kaklase ko noong Grade 5 ay kaklase ko rin ngayon,dito kami nagsimulang magbulakbol,nagkaroon ng kasintahan at mas natutunan namin kung ano ang tama sa mali.hanggang sa kami ay magtatapos na ng elementarya malungkot dahil may-iyakan may tawanan at may biruan, pero masaya rin dahil magtatapos na kami lahat.
     Nang-ako'y nasa unang taon na ng sekondarya, Dito ko naranasan kung anu ang ibig sabihin “High School Life”. Dapat pala dito nalang ako pumasok para naranasan ko ito nang mas maaga. Dito ko rin nakilala ang babaeng mag papatibok sa aking puso na minsan na rin nabato, siya rin ang nagbabalik ng aking sigla sa tuwing ako’y na lulumbay, isang tingin palang sa mukha niyang nakangiti “okay na ako”. Di ko inakalang iibig ako. Sa kanya ko lamang nalaman na bawat tao ay may puwang sa mundo. At dahil sa kanya pilit kong binabago ang aking sarili, ako’y nag papapayat para ako’y kanyang tanggapin.. Ang nais ko lamang ay ang kanyang kaligayahan. Mabuti ang aking hangarin para sa kanya. Siya din ang nagbigay sa akin ng inspirasyon. dito ko naranasan makisalamuha sa iba't ibang bata at iba't ibang ugali,pero masaya dahil marami pa akong natututunan sa buhay, pero masasabi ko rin na mababait ang aking mga kaklase at guro ngunit iba ang sekondarya sa elementarya.Dito rin iba't iba ugali ng mga babae kumpara sa mga babae ng elementarya pero magagaganda silang lahat.
Nag-anak po kami sa binyag
     Noong ako'y nasa ikalawang taon na ng sekondarya ganoon parin ang muka ng aking mga kaklase walang pagkaka-iba.Dito ko rin naranasan na mahirap pala ang sekondarya,dahil ibinagsak ako ni Mr.Ang,dahil dito maslalo pa akong nagsumikap mag-aral kaya ipinasa rin ako.Tuwing Bakasyon nagpupunta kami sa probinsya ng tatay ko sa bicol,masaya doon dahil sariwa ang hangin at makakapagpahinga ka talaga ng maayos.
     Noong ako naman ay nasa ikatlong baitang na ng sekondarya,nalulungkot ako sa mga nakikita kong pagwawalang bahala ng mga estudyante sa kanilang  pag-aaral.Kailangan talaga ng paggabay ng mga magulang at mga guro.Upang maisaayos pa ang pag-aaral ng mga estudyante.Nag-aral pa rin ako ng mabuti dahil gusto kong makapag tapos ng pag-aaral.marami pa akong nakilalang kaibigan,maslalo pang humirap ang mga leksyon namin dahil mahirap ang mga itinuturo at ipinapaliwanag sa amin.Naranasan ko rin maideliberate ng dalawang leksyon,maipatawag ang magulang dahil sa marami akong mga kalokohan.At noong bakasyon ako ay nag fasting,dito nag-aaral kami tungkol sa salita ng diyos at dito rin hindi kami kumain ng labing-tatlong araw at labing dalawang gabi.
Pagkatapos ng fiesta
     At ngayon ako ay nasa ika-apat na baitang na ng sekondarya,dito mas seryoso na ang aking pag-aaral dahil dito nakasalalay ang aking kinabukasan kaya pinipilit kong mag seryoso at lalong galingan pa sa aking mga leksyon dahil gusto kong makatulong sa aking mga magulang at upang masuklian ko ang paghihirap nila sa akin ngayon malapit na sumapit ang aming pagtatapos ng buhay sekondarya kaya nagpapasalamat ako sa mga taong naging bahagi na ng aking buhay at sana'y maging matagumpay ako balang araw.At salamat sa kaalaman,karunungan na ipinagkaloob ninyong mga guro sa akin lalong-lalo na sa guro namin sa kompyuter dahil naisulat ko itong aking talambuhay.Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Talambuhay ni Edibon



10 MONTHS OLD PICTURE


                                    

                        ANG AKING TALAMBUHAY
         EDIBON SINGRIMOTO FLORES


        Sino ba ang tunay na ako ?Sino-sino nga ba ang mga taong tumulong sa akin upang mahubog ang aking tunay na pagkatao ?Anu-ano nga ba ang mga bagay na aking nakamit sa aking buhay ?Anu-ano pa ba ang mga pangarap na nais kong matamo ako si Edibon Singrimoto Flores tubong lungsod ng Laguna. 
3 YEARS OLD PICTURE
Ako ayisinilang noong ika-anim ng enero taong 1995 .Ang aking ama ay si EdiSon Mendoza Flores siya ay lumaki at likas na taga san pablo .Ang aking ama ay isinilang noong ika-19 ng Oktubre taong 1963. Ang aking ina naman ay si Jessica Singrimoto flores isinilang noong ika-29 ng Disyembre taong 1972 . Ang aking ina ay tubong San Juan, Batangas, sila ay nag pakasal noong ika-14 ng Marso taong 1992 . Dalwa kaming naging bunga ng kanilang pag-mamahalan.Ako ay may isang kapatid na babae na bmaas nakakatanda sa akin. Siya ay si Cyrin Edilyn Singrimoto Flores . Siya ay isinilang nong ika-17 ng Disyembre taong 1992.
        Nag simula akong mag-aral noong akoy anim na taong gulang. Nag aral ako ng day care sa barangay san miguel day care center. Natatandaan ko pa ang laging sinasabi ng aking guro "kailangan niyong mag-aral para koyo ay yumaman". Hindi iyon nawawala sa aking isipan dahil ayon ang laging sinasabi nang aking unang guro na si Bb.Reyes.
        Pag katapos ko ng aking day care ay pumasok na ako sa brgy.San Gabriel Elementary School para sa aking unang baitang ito ay noong 2001. Dito ko nakilala ang isa sa gurong na pakabait at 
FIRST YEAR HIGH SCHOOL PICTURE
matiyaga siya ay si Ginang Pestijo tinuruan niya akong bumasa at sumulat. Napakamaunawain niyang guro.     Lumipas ang aking pagiging estudyante sa ikalwa, akatlo, at ikaapat na baitang. Pagdating ko sa ikalimang baitang mas naging nakakapagod ngunit napaksaya ng aking buhay dahil napasali ako sa tream ng baseball sa aming paaralan. Kinailangan naming magensayo para sa mga laban na aming haharapin. Ngunit sabi nga kung hindi para sayo ay hindi magbubunga. Umuwi kaming talo ngunit alam naming magkakagrupo na ginawa namin ang lahat ng aming
makakaya. sabi nga ni coach "better luck next time." Pagdating ko sa ikaanim na baitang nuong taong 20036 kasali muli ako sa baseball team mas dinagdagan namin ang oras at tiyaga sa aming pageensayo, Sa araw ng aming laban lahat ay kabado ngunit ipinakita namin ang aming galing at nagbunga naman ito dahil kami ay nagtagumpay. Ito rin ang taon ng aming pagtatapos ang lahat ay malungkot dahil magkakahiwahiwalay kami ngunit alam naminsa aming sarili na hindi dito nagtatapos ang aming samahan.
4TH YEAR HIGH SCHOOL PICTURE
 Pumasok ako sa eskwelahan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Doon marami akong pagbabagong ginagawa.Tulad ng pagkahilig sa mga bagay bagay at mga libangan.Mas masarap pala ang mag-aral sa sekundarya kaysa sa elementarya.Dito makikilala mo lahat ng tunay mong kaibigan na tunay na magmamalasakit sayo.Ginagawa ko ang lahat upang makapasa,Nag-aaral akong mabuti.Pumapasok ako araw-araw at lagi kong pinagtutuunan ng pansin ang aking pag-aaral.Paguwi sa bahay gumagawa ako ng mga takdang araling binigay sa akin ng aking mga guro.November 09  araw ng aking kaarawan.Simple lng ang okasyon pero sama-sama parin kami kahit wala na akong ama.Hiniling ko sa panginoon na magkasama pa rin kaming pamilya hanggang sa pagtanda namin.          


Ang unang araw ko sa aking sekondarya ay talagang kakaiba dahil sobra ang aking kabadahil wala akong kakilala at kailangan kong makisama sa mga bagong taong aking makakasalamuha. Ngunit hidi rin naman pala mahirap makisama sa kanila dahil naman sila ay mababait at mabubuting tao. Sinabi ko sa aking sarili na ngayong ako ay nasa sekondarya na mas pagbubutihin ko ang aking pagaaral. Masayang lumipas ang aking unang aton sa sekondarya. At noong taong 2008pagtungtong ko ng ikalawang taon sa aiking sekondarya nagbunga ang aking mga paghihirapdahil tumaas ang aking seksyon at naging masaya din ako sa mga bago kong kaklase. Masaya ding lumipas ang aking ikalawa at ikatlong taon sa sekondarya.
          Malapit ko nang makamit ang aking diploma dahil ako ay nasa ikaapat na taon na sa aking sekondarya. MAs nagiging malapit ako sa aking mga kaklase. Tinuring na namning kapatid ang bawat isa.Magkakasama naming hinaharap ang bawat problema. Masaya kaming dumalo sa aming JS Prom. Sumayaw kami at tumawa ng magkakasama.. Mas binibigyan na namin ng oras ang aming pag aaral at pinapahalagahan din namin ang aming samahan.Kasi marami akong nakilala at nakasalamuhang ibang tao. At ngayon, malapit na akong makatapos ng sekondarya at malapit na rin kaming magkahiwa-hiwalay ng aking mga kaklase.Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga nangyari sa akin ngayong hayskul. Lagi kong isinasaisip na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap. Pipilitin kong makatapos ng pag-aaral dahil ito ay aking mapapakinabangan pagdating ng araw. .3-G naman ang naging aking section noong ako ya 3rd year high school.

            At ngayon nalalapit na ang aming pagtatapos. Umaasa kaming hindi magkakalimutan at magiging magkakaibigan pa din. At nanalangin kami na magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat isa sa amin para sa aming sarili at sa aming pamilya.natutuwa ako dahil malapit ko ng makamit ang aking mga pangarap.Nagpapasalamat ako sa mga guro  dahil sila ang nagbigay ng kaalaman sa akin upang mahubog ko pa ang aking talento at sa iba pang mga kabataan.Nagpapasalamat din ako sa aking ina na naging inspirasyon ko upang matapos ko ang aking pag-aaral at makamit ko ang aking mga pangarap.


FAMILY PICTURE!!!