![]() |
3rd year po ako nito. |
![]() |
JS po namin yan nung 3rd kami. |
Isinilang ako nonng november 09,1994 sa Lungsod ng San Pablo Laguna.Masaya ako sa dahil ngkaroon ako ng mapagmahal na magulang.Ang pangalang ng aking ina ay si Nilda Mendoza na ipinanganak noong January 09,1963.Pinagmamalaki ko ang aking ina,dahil ginagampanan niya ng tama ang mga responsibilidad niya bilang isang ina.Ang pangalan nmn ng aking ama ay si Jerome Mendoza na pinanganak noong June 28,1968.Pinagamamalaki ko ang aking ama dahil pinipilit niyang maiahon sa hirap ng buhay ang aming pamilya.
Natuto akong magsulat at bumasa sa edad na apat na taon.Ang ina ko ang nagtuturo sa aking sumulat at bumasa.Bago pa ako matulog binabasahan ako ng aking ina ng mga kwentong nakakaaliw at mga babasahing may maidudulot saking maganda hanggang sa ako ay makatulog ng mahimbing habang ang ama ko nmn ay nagtatrabaho pa upang magkaroon kami ng panggastos sa pang araw-araw.
![]() |
Ate ko po yan. |
September 26,2000,Sa hinding inaaasahang pangyayari ay lumisan na ang aking ama.bagama't wala pa ako sa wastong isipan nararamdaman ko ang lungkot at galit ng aking ina dahil sa pagkamatay ng aking ama.Masakit pero kailangang tanggapin dahil lahat tayo lilisan din. Mula nooon ang ina ko na lamang ang siyang nagiisang nagtataguyod ng aming pamilya.
Noong nasa Ika-1 baytang na ako ng elementarya sa Bagong Pook naninibago ako dahil wala pa akong kilala.Hindi nagtagal nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan na palaging nagpapasaya sayo na laging kalaro mo kapag katapos ng klase.Masaya ako sa dahil marami akong natutunan sa kanila lalo na ang mabuting pakikipagkapwa.Hindi rin ako nag tagal sa eskwelahan ng Bagong Pook dahil malayo ito sa amin at mahirap lakadin ng isang batang katulad ko.Naisipan ng ina ko na mag palipat sa San Pablo Central School.Doon hindi ako masyadong napapagod at hindi ako laging nahuhuli sa klase.Syempre sa mga Christmas party sama-sama lagi ang mga estudyante at mga guro para mag party. Pero ako nasa isang sulok palaging nag iisa dahil nga ayaw nila makisama sa akin.
Noong nasa Ika-2 baytang na ako.Naninibago ako nung una dahil sa hindi pa sila kilala.Hindi naging mahirap yun sa akin dahil alam kong mabait ako at mapagkakatiwalaan nila kaya madali akong nagkaroon ng panibagong kaibigan na tumutulong sa sayo at lagi mong kasama sa hirap at ginhawa.Tuwing awasan lagi kaming naglalaro minsan nag kakaaway dahil sa simpleng biruan.Natural lang ito sa lahat ng bata.Tuwing bakasyon ay masaya dahil marami akong napaglilibangan.Kasama ko rin ang aking pamilya at mga kaibigan na laging sumusuporta sa akin at at gumagabay upang makapagtapos ako ng pag-aaral.Nagbakasyon kami sa mga pinsan namin masaya ako dahil minsan lng kami mag kasama sa loob ng isang taon.Nilubos-lubos na namin ang pagsasama namin hanggan matapos ang bakasyon.
![]() |
yan po ang sinakyan namin para mag swimming. |
Pumasok ako sa eskwelahan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Doon marami akong pagbabagong ginagawa.Tulad ng pagkahilig sa mga bagay bagay at mga libangan.Mas masarap pala ang mag-aral sa sekundarya kaysa sa elementarya.Dito makikilala mo lahat ng tunay mong kaibigan na tunay na magmamalasakit sayo.Ginagawa ko ang lahat upang makapasa,Nag-aaral akong mabuti.Pumapasok ako araw-araw at lagi kong pinagtutuunan ng pansin ang aking pag-aaral.Paguwi sa bahay gumagawa ako ng mga takdang araling binigay sa akin ng aking mga guro.November 09 araw ng aking kaarawan.Simple lng ang okasyon pero sama-sama parin kami kahit wala na akong ama.Hiniling ko sa panginoon na magkasama pa rin kaming pamilya hanggang sa pagtanda namin.December 25,2008,Pinagdiriwang namin ang kaarawan ng panginoon at nagpapadasal ang aking ina.Magkakasama kaming pamilya nagbibigayan kami ng mga regalo sa isa't isa.
![]() |
Yung nasa gilid po ang aking ate. |
Noong 4th year na ako natutuwa ako dahil malapit ko ng makamit ang aking mga pangarap.Nagpapasalamat ako sa mga guro dahil sila ang nagbigay ng kaalaman sa akin upang mahubog ko pa ang aking talento at sa iba pang mga kabataan.Nagpapasalamat din ako sa aking ina na naging inspirasyon ko upang matapos ko ang aking pag-aaral at makamit ko ang aking mga pangarap.
hoooy ano yan hahahaha
TumugonBurahinnakakaiyak naman ang kwento ng buhay mo hhuhuhuhu
TumugonBurahin